#JustWritePH: Isang Hamon Para Sa Mga Manunulat ng Kathang-Isip

Napagtanto ko na hindi ako sanay na magsulat sa sarili nating wika. At dahil ang Agosto ay ang Buwan ng mga Akdang Pinoy, napagdesisyonan ko na ihatid ang magandang balita  sa ating sariling wika.

Ang PinoyWriMos ay isang samahan ng mga Pinoy na manunulat na lumalahok sa taunang NanoWriMo tuwing Nobyembre. Kasama ang buqo, Komikasi at Bronze Age Media, Inc, sila ay nagpanimula ng isang pagsasanay na ginagawa sa pamamagitan ng Internet. Ito ay naglalayong ihanda ang mga kalahok ngayong Nobyembre.

Nagsimula ang pagsasanay noong Hulyo 1 hanggang Agosto 8. Kabilang sa mga nagturo ay sina Ria Lu, Ana Tejano, Kate Evangelista, A.S. Santos, Reev Robledo, Anne Plaza, Ines Bautista-Yao, Charles A. Tan, Tania Arpa, Marian Tee, Liana Smith Bautista at Mina V. Esguerra.

JWPH_001

(Ang mga litrato ay galing sa mga Facebook Posts nina Anton Chua, Liana Smith Bautista at Ria Lu)

Ang mga manunulat ay kailangan makagawa ng limang-libong salita na kwento upang makasama sa #JustWritePH Bundles. Samantalang ang mga labing limang salita na istorya ay maaaring maging hiwalay na nobela pagkalipas ng tatlong buwan na eksklusibong buwan.

May tatlong klase na naganap sa buong buwan ng Hulyo. Ito ay pinangunahan nina Ria Lu para sa unang klase, Liana Smith Bautista at Ines Bautista Yao sa pangalawang sesyon at si Mina V. Esguerra sa huling klase.

JWPH_002

(Ang mga litrato ay galing sa mga Facebook posts nina Liana Bautista Smith, Ariel Lim, at Yeyet Soriano)

Isa na namang pagkakataon para sa inyong lingkod na makasulat ng isang maikling kwento na pinamagatang, Encyclopedia Mystique.

Nagkaroon kami ng paglulunsad ng aming mga kwento sa Bo’s Coffee, SM Megamall noong ika-22 ng Agosto 2015.. Ang mga kwento ay nahati sa 5 bigkis(bundle) 4 na istorya kada bundle. Ako ay nagagalak na makilala ang aking mga bagong kaibigan, ang mga manunulat na nakatapos sa nasabing workshop.

11947664_10153496625568150_8265188371051696823_n

Ang Litrato ay galing sa post ni Ariel Lim

11953043_906654862737296_2076515720393889436_n

Ang mga JustWritePH Bundles

Ang litrato ay galing sa post ng PinoyWriMos

Kami ay nagkaroon ng FB Party na maaari nyong silipin dito <<< iclick!

Ang Pinoywrimos ay nagsasagawa sa kasalukuyan ng blog tour upang ipahayag ang aming mga kwento na kathang isip. Maaari nyo ito silipin dito <<< iclick!

Ako ay lubos na nagpapasalamat sa mga nagsagawa ng ganitong pagsasanay; sa aming mga sponsors, sa aming mga tagapagsalita, sa aming respetadong mga guro at sa nagsimula nito, PinoyWriMos sa pangunguna nina Anton Chua at Liana Smith Bautista! Nagpapasalamat din ako sa buqo sa mga oportunidad na ibinibigay nila sa mga manunulat!

Maari na ninyong bilhin ang mga bundles sa buqo. Hanapin lamang ang JustWritePH.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s